?

Log in

No account? Create an account

April 21st, 2010




myspace visitors

RS 1309571235

-







1. 30 years of service; aawardan si mommy ng institution kung san sya nagwowork tomorrow. More than being proud of her, mas gusto kong magpasalamat sa kanya para sa lahat ng sakripisyo nya for this family. So there; Maraming Salamat, mommy! You're the best!

2. I've developed this nasty habit of cracking my neck every 15 minutes. Feeling tuloy ng mga tao around me masyado akong mayabang -- the truth is, nakakarelieve lang ng stress kaya madalas kong ginagawa. Sabi ni mommy I should stop doing it kasi masama daw for my neck. Maybe I should nga. Unti-unti ko nang itatry ihinto.

3. Majen, I miss traveling with you. Seriously. Haha. Feeling ko namimiss kong kasama ka kasi medyo gamay mo na ang traveling style and attitude ko. So wala nang adjustment masyado, enjoy nalang sa trip. Magyaya ka kung sasakay ka ng eroplano palabas ng Maynila to travel.

4. Contrary sa public sentiment, I like Tricia of PBBTE Clash of 2010. I think matino naman syang babae eh. Sure, hindi sya ang pinakademure sa grupo pero at least hindi sya plastik and hindi DRY. Yung iba dun, too safe, wala manlang personality. Mga tuod amputa.

5. Villar will win. And oddly enough, parang medyo natutuwa ako. Fine. Milan = Kontrabida.

6. RIM's Pinas PR agency sent me a review unit of BB Bold 9700 last Friday to try out for 2 weeks. Gamit ko sya now. There's a reason BB is BB pala. Maganda ang Blackberry. I have several phones na sinusubukan ko ngayon, pero angat ang BB.

7. Ah TP is doing quite well na. Hindi ko pa nagagawa ang gusto ko talagang gawin with the blog, pero OK naman sya now. :)

8. Parang I want to start a taglish travel show online (youtube based) na ako ang host. Haha. And get funding muna from TP earnings para sa trips around Pinas every weekend. (shucks, parang magastos ata yun) Oks lang kahit hindi ako pogi, di naman pelikula or telenovela eh. Di ba?

I'm just studying the earning potential. Sana magkaron na ng Adsense for Youtube sa users dito sa Pinas.

Aysus Google, anuba. Game na yan.

9. I think every Pinoy should be more active online. Creating content, uploading videos etc. Pinoys need to take over the internet. Sayang ang talent! And sayang ang pera! Believe it or not there's big money online -- you just have to be creative, patient, focused and hardworking enough to get it. :)

10. I'm 26 na. Di ba according sa hula sakin nung 21 ako, dapat magkakapartner ako ngayong taon? Mukhang malabo yun. Nakakaasar. Antagal pa naman ng hinintay ko para magkaron ng katuparan ang hula but from the looks of it, mukhang olats ang love life ko this year. But who knows? Sana masurpresa nalang ako.

11. Last weekend, pinaggrocery ko nanaman si mommy. Nagiging monthly na ito. Ahahay. And quite opposite sa pinlano namin last month (dahil medyo malaki ang nagastos ko nun), hindi rin lumiit ang nagastos ko this month. Susmio. Pero ok lang, kinikita ang pera. Biniro ko nga si mommy pag-uwi, "Ma! Grabe ka! Kung anong magustuhan mo, gusto mo talaga ipasok sa cart! Next month, necessities (essentials) nalang muna; gatas, kape, asukal, sabon, shampoo,etc." Sagot naman nya, "Matanda na ako, anak."

:)



12. It's high time I make my parents happy naman. Nung bata ako, ako lagi ang pinapasaya nila; sila lagi ang nagpoprovide ng mga kailangan ko. Ngayon na kumikita na ako, sana mapaligaya ko naman sila kahit papano.


---



myspace visitors