?

Log in

No account? Create an account

May 19th, 2010

Random stuff 1942819

-





1. Finally, malipas ang ilang araw na pagod sa pagkuha ng ids and documents, makukuha ko sa June 1 yung passport ko. Yes!

2. Sabi ni mommy kanina, "Kung ano ano ang pinaggagawa mo sa buhay mo, yang pagboblog lang pala ang magpapadala sayo nang libre sa ibang bansa." Onga naman! :) "Lord, sana po tuloy na tuloy na ang trip at wala nang maging aberya. Talagang dream ko naman po ang makapang-ibang bansa. Hindi po ito kapricho lang. Step forward po ito, Lord, sa mga pangarap ko."

3. 2 days ago, binisita ko yung condo ng bf ng friend ko na kababalik Pinas galing NZ (teka, parang malabo yung description -- yung bf nung friend ko ang galing NZ). Love nest amputz. May isa pa silang bisita. Puro sila sobrang buff. As in, parang mga bouncer. Anlalaki ng biceps -- nakablack sando pa na parang nang-iinggit. Nakasweater naman ako. Pakshet. Nagiging impatient na ako; I have to be sexy soon. Gusto ko naring magblack sando lang tapos namumutok ang biceps.

4. Todo diet na nga ako. Oo na. Todo workout. Yes. I have to do this. I really have to. Isa na yan sa mga top priorities ng buhay ko ngayon. I have to do it. Pinapaalala ko nga sa sarili ko lagi, "The people who look sexy deserve to be sexy. Iho, mahirap maging sexy."

5. Ang haba ng pagitan ng toogs toogs ko. Yung last was 2 days ago. Yung bago nun, last October 2009. Grabe di ba?

6. I would have wanted sana to do it na with someone special dahil sa sobrang tagal na wala, pero kung hihintayin ko yun, baka never ko nang magawa ulit. So yun, when I found someone rather OK, go na. Taga Ateneo rin, smart, mayaman, mukhang may hacienda. Bago sa kanya, todo pigil rin ako kapag di ko masyado trip. Pero ayun nga, it happened na. That's how it is. OK na. Moving on...

7. I love Nokia N90O. Salamat N0kia! :)

8. Lovelife? Wala. Olats. I'm single parin. May mga kinikita-kita ako, pero walang magic eh. It's either lagi nila akong inaaway or I find them boring. Maybe inaaway nila ako to piss me off at umalis nalang ako sa buhay nila cus they don't really like me naman talaga in the first place. Yun nalang ang iniisip ko. So the moment na may nang-away sakin, di nalang ako nagpaparamdam. Bahala na sya sa buhay nya. I find that weird actually. Hindi pa nga kayo, andami nang arte. Kung anuman, I don't like complications. At saka please, kung ayaw mo sakin, diretsuhin mo nalang ako, hindi yung andami pang arte. Sayang sa inerhiya. Wala yun, meron parin naman sigurong magkakagusto sakin kahit hindi mo ako gusto. Haha. Pareho tayong hindi kawalan sa isa't isa (kahit na alam mo naman na Milan is Milan. Nag-iisa yan. naks).



myspace visitors