?

Log in

No account? Create an account

August 1st, 2010

RS 123713502375092 - TREAT

-






1. Parang college lang.

Sya: Ano? Game ka ba?

Me: Anuba. Game?

Sya: Oo naman. Papalampasin ko pa ba to?

Me: Sus. San ba?


Hahaha. Naman.


Sya: Torrid na to ah.

Me: Ito yung tipong kapag nahuli kayong ginagawa nyo sa office, sasabihin nilang mag-asawa kayo.

Sya: haha.





2. Kung ano anong kagaguhan ang naiisip ko tuwing lumalabas ng bahay. Para na kasi akong taong kweba na atat gumala.
3. I'm not sure if I can give yung level of connection na gusto nya. pero kung anuman, I think mabuti naman syang tao. gusto ko syang maging kaibigan.



4. Di ako satisfied sa pretty lang ang face or maganda lang ang bod (wala itong kaugnayan sa 1,2,3 -- random nga di ba?), madali namang makakuha ng ganun. Sus. Nothing special about that. Dito lang sa tondo, sooooobrang dami. Totally nothing special about that.
5. Ang gusto ko yung mapapakilala ko sa pamilya ko and magugustuhan ng friends ko. As such, I want someone sharp, steady and mature. Hindi yung sharp-sharpan lang or porma-pormahan lang. Gusto ko yung marunong ngumuya ang utak or kahit yung may potential lang. Haha.
6. Baka kasi kapag nagsalita sya at narinig ni Majen, sabihan ako ni Majen, "Anubayan, Milan. Bakit ganyan yan?" or kapag ininterview sya ni Mia sa sofa, manginig nalang sya sa nerbyos. hahahaha!


7. Tingin ko, kaya ko gusto si r__i kasi mapapakilala ko sya sa nanay ko. Yung tipo nya, trip yun ng nanay ko.
Me: "Ma, si r__i. Kilala mo sya."
Mommy: "Teka.. ikaw yung sa P-B di ba? Maputi ka pala in person no?! Kamusta naman ang tatay mo?"

Nyahahaha
8. I want someone I can introduce na to my family. Matanda narin ako. In hindsight, parang lahat naman ng bodytype nasubukan ko na. Steady na dapat, chong.


9. Pinabakunahan namin ni mom si Sugarray (our new toy poodle) kanina. Sa jeep pauwi, may hottie na may kasamang gf sa tapat ko. parang pinapagalitan nya yung gf nya kasi tumitingin sakin. pakialam ko. haha. kung alam lang nya -- iba ang gusto kong tirahin. Hahahaha.


10. Two nights ako, bumili ako ng Pinipig Crunch sa may botika malapit samin (i know. WTF right? Botika? tapos Pinipig crunch? haha), after gym. Bago ako pagsilbihan nung babaeng mahadera na lagi akong tinatarayan for no reason at all, meron muna syang inasikasong hottie na bumili ng icedrop (halo-halo flavor) -- 5'10ish, fair, skinhead, no shirt, swimbod, nakaboxershorts at tsinelas, may daladalang folder na may notes ata and 3 ballpens. In fairness dun sa babae, consistent ang pagiging mahadera nya; Medyo tinarayan rin nya yun. Bukod samin ni tisoy, meron pang isang babae na bumibili dun sa botika area na mismo.

magkatabi kami ni tisoy sa harap nung malaking ice-cream ref na nasa harap ng botika. so odd lang, kasi hinintay pa nya akong mabigyan rin ng pinipig crunch at maglakad paalis, bago sya umalis rin. eh it took rin around 5 minutes bago ako naasikaso, so medyo naubos na nya yung ice drop nya while waiting for me and watching rubi kuno sa TV na nasa taas nung ref. tapos, nung naglakad na ko paalis, carrying my gym bag and eating my pinipig cruch, dun lang din sya umalis at sinabayan pa ko maglakad. hahaha.

halos sa tapat na ng bahay namin sya humiwalay ng route -- eh hindi ko naman sya kapitbahay. parang timang.

kung pogi lang ako, iisipin kong trip ako nun. kaso hindi eh, kaya malamang coincidence lang. malay ko naman kung meron syang bibisitahin na kapitbahay ko di ba? tapos, haba haba pa ng nilakad namin na halos magkatabi, wala naman syang sinabi sakin na kahit ano. di nga sya tumingin sakin eh, sa harap lang. so wala yun.

see? hindi ako feeling! ang hindi pogi, hindi pwedeng maging feeling! ahaha.



11. Nung 27th, from meeting sa makati, naghihintay ako ng jeep sa Buendia sidewalk pauwi sa manila (kuripot kasi ako, haha. yoko nga magtaxi pauwi. laki ng difference eh, wala naman akong hinahabol na sched), may bus from ayala na huminto at bumukas sa harap ko. maraming nagbabaan. may isang bumaba na hottie na nakatingin sakin. (5'9, broad, corporate looking, casual attire, clean cut, kakulay ko, halatang PLU, ahaha). di ako sure kung bakit sya nakatingin. siguro napangitan sakin.

odd lang, tinabihan ba naman ako sa sidewalk, eh ang lawak-lawak ng sidewalk. wala namang ibang naghihintay ng jeep gano. awkward tuloy yung situation. hahaha. di ko alam kung bakit sya andun. baka coincidence lang. o baka tumabi sya para sya ang magmukhang pogi. haha.

so pinakiramdaman ko nalang kung naghihintay lang din ng jeep. naisip ko, kung coincidence man o kung ano ang intensyon nya sa pagtabi sakin, bahala na sya sa buhay nya.

kaso, si mokong, lahat na ng ruta ng jeep dumaan -- yung iba, mga jeep na walang laman, di parin sumakay. maya maya naglabas ng cellphone, Samsung Corby. hahaha. di ko tinitingnan. bahala sya sa buhay nya. di naman nya ako kinakausap or nginingitian eh. kung ngumiti lang sya, ngumiti rin ako.

kaso hindi eh. antagal rin naming magkatabi; 15 mins siguro, at least.

maya-maya, may dumaan na jeep na papuntang blumentritt, manila. ruta ko yun at nababato na ko sa kakahintay sa kung anong gagawin nya, kaya sumakay na ko. while paalis yung jeep, tiningnan ko sya. naglakad sya paalis dun sa spot at umakyat sa footbridge.

odd, di ba?

kung pogi lang ako, iisipin ko na trip nya ako. kaso hindi eh, kaya coincidence lang yun. hindi pwedeng magfeeling ang mga hindi pogi! :)



-



myspace visitors