?

Log in

No account? Create an account

September 15th, 2010

Good!

-





This one has HIT written all over it.



Pustahan pa. :)



myspace visitors

-




1. Really, I should be writing about Intel Sandy Bridge architecture. Pero dahil mahal ko rin kayo, ito na muna.

2. 3rd night na ng wake ni lola. Family reunion narin; Ang kukulit ng mga bata kong pinsan -- they make me feel thankful talaga na hindi pa ako nagkakaanak. Anlilikot! Sakit sa ulo!

3. Then again, masarap rin siguro ang may anak.

4. Minsan, naiisip ko, I'd make a cool dad siguro -- Pero only because, kung papasok man ako sa relasyon or responsibilidad ngayon, handa narin ako kahit papano.

5. The first thing na ituturo ko sa anak ko is how to compartmentalize and control emotions. Yun kasi ang first step to learning how to behave (and unless a kid knows how to behave, impossible rin for him/her to learn other values). Kailangan ang bata, alam nya kung kelan ang laro, kung kelan dapat rumespeto, kung kelan pwedeng tumili, kung kelan dapat makinig at kung kelan sleeping time. Matrabaho ito.

6. Second lesson siguro is about making mistakes. Everyone makes mistakes -- but it's what you do after you make a mistake that counts. Para maituro ko yun, bibilhan ko sya ng toys na kapag nilaro nya, wala syang choice kundi magkamali, haha (e.g. Uno stacko, lego, clay, magic slate etc.). My kid has to learn early on how to recover fast from mistakes; Dahil the sooner a person recovers from a mishap, the sooner rin nyang mararating kung saan sya dapat pumunta.

7. Third lesson = There's always hope. Sabi nga ni Elie Wiesel, kapag wala ka nang makitang reason para patuloy na umasa, by all means - you should invent reasons to continue hoping. Ah, this one, he'll inevitably learn in school; Yung mga super tough na projects or assignments; kapag all-nighter na tapos hindi nya matapos on his own at maiyak-iyak na sya, bigla ko syang tutulungan and we'll finish the project in 30 minutes. Haha. I'm sure nangyari narin yan sayo nung gradeschool. Haha. Para saan pang ako ang tatay nya.

8. My kid will be very prayerful. He will be humble -- knowing that everything he has is but a gift from God. :) I dunno kung magiging trip rin nyang maging commentator sa mass as a boy, just like me back in gradeschool, pero kung trip nya eh di mabuti.

9. Ah, swerte ang anak ko. Haha. Lahat ng latest gadgets, magagamit nya sa school -- kahit prep palang sya or kinder. Haha. He just has to ask nicely, like.. "Dad, please let me use Nokia's flagship phone - the one that shoots HD videos - when we go to Manila Oceanpark on Thursday. Please... I love you daddy." And ako naman, "Anak, you are only 5 years old. WTH do you intend to do with that phone?! Pero sige, use it but NO scratches ha. Not a hairline scratch, clear? I love you."

Hahaha.

Tags:




myspace visitors