lighthouse_hero (lighthouse_hero) wrote,
lighthouse_hero
lighthouse_hero

Of Goals

-







No rice diet na ako ulit.

Di ko kaya ang no carbs diet.

So ayun, kahapon, nakasampung maliliit na siopao and 10 pieces ng pork siomao lang ako for lunch. Haha.

I really want to take this pagpapapayat thing seriously na.

I want to see definition sa abs area ko.

Workout-workout narin ulit para gumanda ang chest and biceps.

Bakit lahat ng pag-eeffort na ito?

I wanna be sexy.

I want "SEXY" as top of mind adjective/insight kapag naisip si "Milan"

MILAN = SEXY

e.g.

"Kilala mo si Milan? Yung maganda ang katawan?"

"Ah oo. Kilala ko sya. Sya yung kapag nakita mo from afar gusto mo na agad hipuan. Tama?"

"Hindi ata sya yun. Sya yung kapag nakita mo gusto mo na agad ilabas ang etits."

"Eh ikaw naman pala ang hindi nakakakilala kay Milan eh. Si Milan yung nakasex ko. Hindi mo pa yun nakakasex."

"Gago!"

Yung mga ganun.


I have to be sexy. Soon.

But getting there is proving to be not the easiest thing to do. Kung wala kang motivation, gigising ka nalang na isa ka nang malaking interyor ng gulong ng bulldozer.

Kailangan may konting galit at paghihiganti sa puso mo. That will keep you moving forward; Make you want to lift heavier weights, run more miles, box harder.

As for me:

Hindi ko na kaya yung ganitong lagi nalang akong may bilbil. Hindi ko na matatanggap na lagi nalang akong iniintindi ng mga tao for not looking good in my slimfit long sleeves. Or that tinitiis nalang nila na nakikita akong hugis butete.

Hindi ko na matatanggap na lagi nalang akong Api-apihan. Tulak-tulakan. Nginungud-ngud sa putik nang hindi lumalaban. Tampulan ng tukso, pag-aaglahi at pangungutya. Binabato ng mga maduduming damit at pinag-sasaing, habang naghahanda ang mga sexy para magparty.

Hindi na pwede.

I have to be sexy na.

Kung kailangan kong punuin ng galit at paghihinganti ang puso ko to reach that goal, gagawin ko.

Gaganti ako. Babawiin ko ang lahat ng inagaw sa akin...


GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRrrrrrr GrrrrrrrrrrrRRRRRRRRR

[But seriously, parang masarap ngang isipin yung line na yun while lifting weights or running sa treadmill...

"Gaganti ako... Babawiin ko ang LAAAAHHHHAAAAAATTTT ng inagaw nila sa akin.. LAAAHHHAAATTT.. Lahat lahat. Gaganti ako sa lahat ng pang-gagagong ginawa nila sa akin... Hindi ako titigil..."

yung malutong lutong pa. tapos nakakagat ka sa lower lip mo while thinking of it nang paulit-ulit.

Taenang yan. Siguradong sesexy ka nyan in no time.]


-
Subscribe
  • Post a new comment

    Error

    default userpic
    When you submit the form an invisible reCAPTCHA check will be performed.
    You must follow the Privacy Policy and Google Terms of use.
  • 0 comments