lighthouse_hero (lighthouse_hero) wrote,
lighthouse_hero
lighthouse_hero

RS 13910274

-







1. It's 1:18 AM.

Good news: Inaantok na ko. Finally, naayos ko na yung bio-clock ko. Malaking tulong yung pagwowork-out ko more religiously lately. Sarap kasi matulog kapag medyo masakit ang mga muscle.

Medyo bad news: Dahil nasanay na yung katawan ko na maging mas productive kapag walang araw, less ang trabahong nagagawa ko lately. Hindi na ako masyado nakakasali sa CrowdSpring, kahit na sandamakmak na messages ang pinapadala sakin ng buyers to join their projects. I kinda miss winning design projects there nga. Isa pa, nahihirapan akong i-update ang TP -- parang wala ang utak ko sa trabaho. Grr. Halimbawa, isang linggo nang overdue yung Blackberry Bold 9700 na ginagawa ko. For some reason, hindi ko sya matapos tapos. :D

Anyway, siguro kailangan ko lang turuan ang katawan ko na maging mas productive kapag bagong sikat ang araw.

OK lang. Step forward naman. Konting adjustment lang, makakabalik rin ako sa fighting form.

At saka sabi nga ni Benjamin Franklin, "Early to bed and early to rise, makes a man healthy, wealthy and wise."

Gusto ko yan.


2. O isa pa. Kalyeng kalye:




3. I don't really know kung ready na ako to be in a relationship now dahil nga sobrang makasarili at kontrabida ako, pero kung mamarapatin mo, sige, iset-up mo ko ng date. :)

Ano bang trip ko? Hmm.

a. kahit hindi artistahin
b. basta as tall as me or taller - I'm 5'8
c. and as heavy or heavier - I'm 145 lbs.
d. dapat hindi uptight, ayoko sa boring - mas gusto ang disaster na date dahil sa may nangyaring kahindik-hindik o kagilagilalas kesa dahil sa walang nangyari. haha.
e. either barumbado or diva; ok lang masungit basta wag masyadong maingay or masyadong kime
f. mabuting tao - dahil galit ang kontrabida sa kapwa kontrabida.
g. matalino talaga; ayoko sa nagmamatalino-talinuhan. actually mas gusto ko pa yung aminadong bobo, kesa sa nagpapanggap na matalino. Gusto ko, kapag tinanong ko, "bakit ang tae nakakadiri lang kapag nasa labas na ng katawan?" masagot nya nang maganda.
h. kahit hindi masyado funny, basta laging may sinserong ngiti sa mukha.
i. may kotse or may sariling pad - para mas madali to get it on. haha.
j. may maayos na trabaho (steady source of income) at may pangarap sa buhay.
k. hindi binoto si acosta nung may 10 (ok lang na binoto nya si erap, basta maganda ang reason).
l. hindi vain. kung cute ka, cute ka kahit hindi ka masyadong maporma (nasa facial proportions yan), on the other hand, sabi nga ni pi, "Wag na magsuklay. Kung pangit, pangit." nyahaha.
m. comfortable sa sexuality nya. ayoko nung tago nang tago. putangina. antanda na natin, chong.
n. gusto ko yung bibo saka mabilis mag-isip. kung pwedeng sya na ang umorder at mag-ayos ng itineraryo, sya na lahat!
o. ayoko sa mahina magsalita. hahahahaha!
p. gusto ko katulad kong MAGINOO pero SOBRANG BASTOS.
q. may sariling utak. ayoko nung lahat ng desisyon o tawanan nakasasalay sa barkada. tanginang yan. ano to? high school? hahahaha.
r. fascinated sa mga tao at marunong makinig - yun nga, ayoko sa vain.
s. marunong sumayaw.
t. kumportable sa sarili nya. ayoko nung parang hindi nya gusto ang sarili nyang katawan -- sarap bugbugin.
u. dapat trip ako. (naman! wag tayong magbobobobohan.)

yun. sige, tweet nyo nalang ako. haha.
Subscribe
  • Post a new comment

    Error

    default userpic
    When you submit the form an invisible reCAPTCHA check will be performed.
    You must follow the Privacy Policy and Google Terms of use.
  • 0 comments